Pull da strings to stop

Hindi nila sinabi, pero ang pag-ibig ay isang joy ride –

Sa una masaya. Exciting pa. Todo bigay, walang preno.

And’yan ang thrill.

‘Yung excitement sa mga tanong na:

Saan ba tutungo?

Kami ba hanggang dulo?

Forever na ba ‘to?

Sana oo.

Pero kahit di sigurado, basta kasama kita.

Basta mayroong tayo.

Hindi nila sinabi, pero ang pag-ibig pala nakakatakot kung dumidilim na –

Hindi mo na makapa. Wala ka nang mapa.

Saan ba dapat dumaan?

Mga away pa ba ay malalampasan?

Hanggang kelan?

Hanggang saan?

Hindi mo na alam kung saan ang labasan.

Hindi mo na alam kung makalalabas ka pa.

Pero kahit di sigurado, basta kasama kita.

Basta dalawa tayo.

 Hindi nila sinabi, pero ang pag-ibig pala pwedeng mawala.

Empty tank na. Tumitirik sa kawalan.

Na-pa-flat-an hanggang sa wala nang maipaglaban.

Pero kung kaya pa,

Kung mayroon pa –

Hanggang sa masimot ang kaibuturan mo.

Ibibigay mo.

Itataya mo.

Maipagpatuloy lang ang nasimulang kuwento.

Maiwala mo man kahit na sarili mo.

Pero kahit di sigurado, basta kasama kita.

Basta buo tayo.

 Hindi nila sinabi pero ang pag-ibig pala nakakapagod.

‘Yung uri ng pagod na nanunuot hanggang kaluluwa.

Magtatanong ka na,

Mahalaga pa ba?

Kaya ko pa ba talaga?

And’yan ka pa ba?

O bumaba ka na nang di ko namamalayan

At ako na lamang pala mag-isa?

Kaya pa bang punan?

Mga kakulangan na kahit pagtakpan ng pagmamahal.

Ng pag-aalala, pagkalinga, pagkatanga –

Wala na. Dead end na talaga.

Pero kahit di sigurado, susugal ako sayo.

Susugal pa rin ako sayo.

Dahil kahit di sigurado, basta kasama kita.

Basta lumalaban tayo.

 

Hindi nila sinabi pero ang pag-ibig pala puwedeng matapos.

Sa isang maling galaw ng maniobra.

Sa biglaang pagsaling sa kambyo.

Sa di biglaang pag-preno.

Sa di paghinto.

Hindi mo namalayan.

Kayo na ay nagkakasakitan.

Hanggang sa wala nang natira.

Hanggang sa napagod nang talaga.

At ang isa ay bumitaw na.

At kahit subukan mang habulin,

Subukan mang pigilan ang takbo na kay tulin.

Huli na.

Ayaw na niya.

Hinila na ang pisi,

pull da string,  

stop na.

Hindi na sigurado.

Hindi na alam kung kaya pa bang ipaglaban ang “tayo”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s